Nung bata pa ako, aliw na aliw ako sa Samsung Note, ang ganda and very nakaka amaze yung may stylus sya. πŸ₯° Since then, sabi ko, gusto yan! Yan ang dream phone or goal ko. Super like ko yung may pa stylus nya at sulat sulat sa screen kasi I love taking notes dahil sa memory gap'ness ko πŸ˜…. My heart went wild nung may lumabas na pink!!!

photo credits: sammobile

Kaso the kuripot in me is namamahalan na sa 5k pataas na presyo ng cellphone noon. As as the year goes by, paiba -iba ng challenges and priorites. So, sabi ko next time na lang... hanggang sa nag ka Samsung Note 5, Note 6, 7, 8, and 9 na, wala pa din.

For the mean time, I enjoyed using the following brands: SONY, I super love the camera. ASUS, for the battery life and value for money, I have few units left and buhay pa sila. Sadly, different story ang laptop ko. OPPO for making me a selfie kween and enjoying food and travel photography. Thankful  for these brands who worked with me, and was able to enjoy it naman.

Then, Samsung Note 10 lite in Aura Red Arrives! Super Gandaaaaa! Kaya naman pinag-ipunan ng bongga, rumaket galore, at nung ready na to buy one, me, and mudrabells went to Samsung store. I checked din online, some shops offer it at a very affordable price, pero I always buy sa flagship store para if may problema, mas less-stress.


photo credits: gsmarena.com



I watched tons of unboxing and reviews, I even asked friends for feedback, kaya naman the moment I get to feel the live demo unit, I told myself ito na talaga ang fone for me. That's why the moment the sales staff asked how can she help me, I said How much for this one? And she politely answered, Ma'am wala na po yan. 

And I was like "Hala? PHASE OUT NA?!" pero bakit nakadispaly pa din? Ok ako sa display :P charot but no can do. I left Samsung store in Robinsons Manila na super heartbroken. But ate girl makes habol us and mention na may New Note in town. She demo it to us, pero walang nag-si-sink in saken kasi walang red. And mudrabells was like, bilhin mo na kaya mo yan! I said, pag-isipan ko uli.

The next week, I tried my luck naman sa Samsung store in MOA, still the Note 10 lite is on display pero phase out na daw talaga. sana kasi alisin dabah? charot!

Kaya nag-isip ako uli. I badly needed a new fone dahil nag-cha-chat at nag-re-reply mag-isa yung phone na gamit ko. And friends are even tagging me na sa meme for my typo-errors hahaha. Plus sobrang nagloloko na sya at pasaway. This mobilephone just turned a year lang pero  faulty unit ata sya at di ko naman maasikaso na at blockbuster ang pila sa service center. Sumabay pang nagparamdam ang 5 year old dslr ko kaya its must be the universe telling me na Push mo na yan Aci Girl!

After weighing the pros and cons, Tada!!!

I can finally say, Noted with thanks... to myself! Charot!


What makes me decide to buy this Samsung Note 20?

  1. Pangarap ko talaga itong smartphone na ito. Ang saya siguro if I have it in Aura Red but as of the moment 2 colors lang ang pagpipilian and I choose the mystic bronze.
  2. Size: I want big phones, yung konti na lang tablet na sa size charot! kasi madalas ako matypo sa maliit.
  3. Taking notes to the next levelMahilig akong magsulat-sulat with drawings and colors. at madalas mawala ang pens ko pati notes. ang galing kasi ng memroy ko eh 'kainis. Kaya this one, makakatipid na ako sa pens, highlighter and paper. Dali Ijustify pa natin! :P
  4. S pen as remote control for taking pix na mala-magic wand ang features. will elaborate this on my review next time.
  5. 108 megapixel + Laser AF Sensor
  6. 256 GB storage 
  7. Octa-Core
  8. Last but not the least... Epekto of watching K'dramas :P



Moral of the story?
1. Pag-isipan maige ang bawat purchase. This took me almost a year 🀣 to decide for the Note 10 lite lalo na may pandemic + extra 1month for the Note 20 naman.
2. Kapag bibili ng gamit na medyo mahal, dun tayo sa installment at  0% interest. But make sure, regular na magbayad.
3. Kung malakas kang gumamit ng data for either personal or business use (raket or sideline), I would suggest getting a post-paid plan with device. 
4. Or pag-ipunan ng bongga kasi mas may discount when you pay cash.
5. Wag tayo sa pautang na bonggacious ang tubo. True na di lahat keri ang mag credit card, but change your mindset, mas ok na ipunin muna ang pera bago ibili, kesa u-utang via lending keme hulug-hulog ng di ka sure + interest if mag mintis.
6. If may gusto kang ma-achieved, bilhin, o gawin, do it, work hard for it, and make it happen.
7. Huwag maglambing na ibili ka ni hubby kasi ikaw ang mabibigo. *based on experience ba ito? Charot! But seriously, RUMAKET ON YOUR OWN so that you have money to buy this and that. Pak! Mas nakaka-proud sa sarili when you work hard and get to enjoy the fruits of your labor.


Ikaw, ano ang dream phone mo?
Hawak mo na ba sya today?
Huwag ma'pressure if not... take your time and just like me, kapag may gusto, I always say to myself:

Ipon starts Now! At Magkakaroon din ako nyan soon!


Thanks for reading my blog and feel free to leave comments.
To get the latest update, follow me on my social media accounts.