I'm still amazed about learning the fact that TB DOTS is free. Because a decade ago I spent so much on the lab test and medicines for my kid not knowing (if) this program exist. And thankfully I and my daddyO were able to provide. But even now that this out here for the taking, it's kinda late pa din and that makes me wonder na baka madami pang hindi nakakaalam ng initiative na ito. 

I asked Mommy Myles if Jenny was aware of her health condition, and what did jenny say about it? Mommy Myles said 

"Oo. Noong una palagi siyang umiiyak tapos tinatanong niya ako bakit daw kasi siya nagka ganoon. Nakaka durog ng puso kapag nagtatanong siya tapos umiiyak"

Sinabi ko sa kanya na, hindi agad namin nalaman yung talagang cause ng sakit niya kasi akala namin uti lang. Mahina ang immune system niya kaya kinapitan agad siya ng sakit kaya dapat sundin kami ni kuya niya sa mga bawal at dapat niyang kainin.

Hanggang ngayon, hanga pa din ako sa tibay at lakas ng loob na taglay ni Mommy Myles. Kahanga-hanga din ang pag-aalaga ng mga kapatid ni Jenny sa kanya, lalong-lalo na ang kanyang kuya. Kinakaya at hinaharap nilang mag-iina ang lahat ng ito  para sa ikabubuti ng lagay at kalusugan ni Jenny.  


Bukod sa supporta na nakukuha nila mula sa kanilang pamilya, lumahok din sila sa mga chat at  groups ng mga TB care patients community/support group tulad ng TB Free PH. Kung saan dito sila nag usap-usap upang mag-kumustahan, tulungan, at gabayan ang bawat isa patungo sa pag-galing mula sa sakit na TB.

#TBFreePH Patient Support Group 

The #TBFREEPH Patient Support Group is created to provide a safe and secure online space for TB patients. 

Tinanong ko nga din si Mommy Myles noon kung may panahon ba na feeling mo 'di mo na kaya? Ano ang ginagawa mo para malampasan yun, at saan kayo humuhugot ng lakas ng loob? 

Mommy Myles: Sa totoo lang hindi ko na feel na hindi ko na kaya, mas masakit sa akin yung nakikita ko na nahihirapan si Jenny. Always pray lang. Tsaka napaka-supportive kasi ng panganay ko. Lagi rin yun naka alalay sa kapatid.

Yung mga friends ko rin, sila yung gumagawa ng paraan para magkaroon ng funds para magamit sa pagpapagaling ni Jenny. 

This made my heart melt again, "friends helping friends" di ba ang swerte if makatagpo mo sa buhay ang mga tunay na kaibigan? 

Totoo, swerte ako sa mga kaibigan. Sila talaga lahat gumastos noong nasa hospital kami even noong bago pa lang kami nakakalabas ng hospital.


Message from Mommy Myles: Gusto ko magpasalamat una syempre kay God. Kay Mayor Marcy Teodoro at kanyang asawa. Brgy. Fortune Capitan Riza Teope, sa palaging pagpapahiram ng ambulance, Kagawad Vilma Santos, na isang chat lang bigay agad ng diapers para kay Jenny. Sa mga kaibigan, kapitbahay at kakilala ko na hindi nag atubiling magbigay ng financial na tulong. 

Kay Maam Louie, sa mga advice niya lalo na noong hirap pa ako sa pagpapainom ng gamot, sa chat group ng TB patient kasi mas naintindihan ko ang nararamdaman ng mga anak ko. Sa mga kapatid at anak ko. Salamat sa kanilang lahat.

Kinumusta ko sila uli, and Mommy Myles showed me pictures of Jenny before and after nila ma-confine sa ospital, and caring for her at home. 

Mommy A: Ang ganda-ganda nya momsh! Sana bunalik ung sigla at saya nya 🥰

Mommy Myles: Praying for that 🙏 Yung first pic recent yan tapos yung naka insert kakalabas niya lang hospital. Malaki na changes 😊


Jenny is doing fine now, she's still on medications, dalawang gamot na lang ang iniinom nya compared sa apat before, at bakas na gumaganda na ang kanyang lagay. Sayang nga eh, I can't show you her picture because she's a minor and for security purpose na din. I'm hoping and praying na mag tuloy-tuloy na ang pag-recover Jenny. Bumalik na sana ng lubusan ang kanyang lakas at sigla para ma-enjoy nya uli ang buhay lalo't ang bata pa nya.

I admire her for all her. Rasing 5 kids on her own, and taking extra care for Jenny, and providing for the family, grabe Lord, may you bless their family po and bless the people that is around and helping them.

Sa lahat ng mga mommies or parents na may anak na TB patient, maging matatag at huwag susukuan ang anak. Sa atin sila kumukuha ng lakas. Huwag ipakita sa bata na pinanghihinaan tayo. Maging matiyaga sa pagpapainom ng gamot at agpapakain. Pray. Pag feeling natin hindi na kaya, hinga muna tapos take time to pray. Kasi Siya lang makakatulong para kayanin natin ang lahat. - Mommy Myles  

Mommy Myles: Ganyan tayong mga nanay, Sa dami lang siguro ng masasakit na experience tumibay na ako. Thank you so much sa pakikinig.

Talking to Mommy Myles is such an eye-opener for a (not-so) newbie mom like me. I know madami pang stages and challenges ahead.  Dapat talaga for a mom like me, matibay ang loob, at di basta basta susuko. At kung ano man ang maging balakid, tumayo lang tayo at huminga, magdasal at humanap ng paraan at patuloy lang sa buhay.


To know more about their TB Care journey, see related blog posts:

TB can happen in Children - Part 1


TB Care, Treatment and Challenges - Part 2


Mommy Myles - Part 3

#TBFreePH

Thanks for reading my blog!
To get the latest update, follow me on my social media accounts.