"Being a mother is learning about the strength you didn't know you had and dealing with fears you never knew existed." That quote from Linda Wooten is one of my favorites and what kept me moving forward and of course with huge help from my Mudrabells. Saka ko lang lubusang naunawaan ang tunay na hirap at sakripisyo ng isang ina nung naging nanay na din ako... shocks nasan na ba yung tissue.
But this blog post is not about me muna, because today, we are featuring another mom. I admire this momshie, kinaya nya lahat ng binato sa kanya ng tadhana. Even up to now di ako makapaniwalang kinaya nya ang mga ganaps sa buhay. Kaya naman mga momshies, let's all take a little break and let me share to you the Story of Mommy Myles.
Mommy A' meets Mommy M'
#TBFreePH
Mommy Myles is the mother of the 8year old TB care patient we nicknamed Jenny and did a feature on my blog.
Read more about it here: Part 1: Tuberculosis can happen in Children | Part 2: TB Care, Treatment and Challenges during the COVID19 Pandemic
And as mentioned earlier, we will focus the attention on Mommy Myles and maybe learn something from her most especially on where she gets the strength to manage it all.
Mommy Myles is a single mother of 5 children. Jenny is the only daughter among siblings. She sells different things online. Her husband died a few years ago, left her all alone to provide for her children. 'Di ba parang ang hirap? And asked her nga paano nya kinaya all this?
Anong initial reaction mo nung nalaman mo na may TB si Jenny?
Mommy Myles: Noong una nagulat ako kasi wala ngang symptoms tapos parang nag-doubt din baka mali findings nila (doctors). Mas inaasahan ko kasi na sa kidney talaga problem kasi nga ganun ang naging sakit ng papa niya.
We know that TB is highly infectious, and contagious. And naalala ko ang mga bata ay di mahahawa ng TB ng hindi sila nakaka-encounter ng infected. Or may kasama sa bahay, or community na madalas mong makaka-salamuha. So I asked her if there someone with TB in their family history.
Pwede rin nga daw makuha sa kapitbahay, meron din kasi kaming kapitbahay na nag undergo ng treatment na madalas pumunta sa house namin.
Yung panganay ko nagkaroon din yun ng primary complex. Natapos naman gamutan nun kasi that time nagwowork pa ako sa clinic, nalibre ng nga amo ko ang medicine. Yung sa asawa ko naman, hindi kami nakapag-apply sa TB DOTS ng health center dahil magka-iba ang result ng x-ray at sputum. At sobrang tagal din ng proseso.
With that, I know what she means on "mahabang proseso". Na-experience ko din pumila sa health center, mula prenatal, at post natal checkup - mahabang proseso. And we both agreed na sana ay mapabilis at mabago ang sistema dahil marami silang natulungan at matutulungan pa.
I asked her if legit na free ang TB DOTS, at kung na-avail na ba nila ang benefits being enrolled in the program? And from her experience:
Dito sa NCH libre na lahat.
After all that Q & A with Mommy Myles, parang napagod ako for her and asked: May times po ba na feeling mo 'di mo na kaya? And if ever meron, ano po ang ginagawa mo para malampasan yun, at saan kayo humuhugot ng lakas ng loob?
Sa totoo lang hindi ko na feel na hindi ko na kaya, mas masakit sa akin yung nakikita ko na nahihirapan si Jenny.
Always pray lang. Tsaka napaka-supportive kasi ng panganay ko. Lagi rin yun naka alalay sa kapatid.
Oh di ba, I love Mommy Myles! And nakapaka baet namang Kuya talaga ng eldest ni momshie. Dahil jan naalala ko tuloy sermon ng mama ko. Na 'wag daw ako pahina-hina ng loob kasi ako lang ang aasahan at tintingnan ng mga anak ko. Dapat daw malakas ako kasi kung hindi mapanghihinaan din ng loob ang mga anak. Kaya naman natanong ko din si Mommy M kung:
Alam ba ni Jenny and health condition nya? Ano po ang sabi nya?
Oo. Noong una palagi siyang umiiyak, tapos tinatanong niya ako bakit daw kasi siya nagkaganoon. Nakakadurog ng puso kapag nagtatanong siya ng ganoon tapos umiiyak.
Your message to fellow mommies na may anak na may karamdaman or diagnosed with TB.
Sa lahat ng mga mommies or parents na may anak na tb patient, maging matatag at huwag susukuan ang anak. Sa atin sila kukuha ng lakas eh. Huwag ipakita sa bata na pinanghihinaan tayo.
Maging matiyaga sa pagpapainom ng gamot at pagpapakain. Pray. Pag feeling natin hindi na kaya, hinga muna tapos take time to pray. Kasi Siya lang makakatulong para kayanin natin ang lahat.
#TBFreePH
To get the latest update, follow me on my social media accounts.
nakakabahala talaga mga sakit lalo kapag bata, kaya dapat talaga regular check up kahit walang sakit para if ever na may sakit maagapan agad. lalo ang TB nakakahawa po talaga, kapag ganyan po hiwalay na ang gamit ng may sakit e
ReplyDeleteGod is good mommy tiwala Lang Kay lord,ipag pray Lang palagi malalampasan niyo din Ito.I'pray ko din kayo🙏
ReplyDeleteKaya po talaga need din natin minsan maging oa mom, para sa health ng mga anak natin. Marami kase tayong sakit na hindi nakikita or hindi nalalaman. Pray lang po mommy, malalampasan niyo po yan In Jesus Name!
ReplyDeleteMahirap tlga pag may tb ang tao mas lalo siguro sa bata . Kaya sa nga mommies ingatan ang ating nga anak .
ReplyDeleteSalute po sayo Mommy Myles,Sa ganyang sitwasyon mo na may limang anak tapos merong isang may TB nagpapakatatag at kinakaya mo ,kung iba lang po nakakaranas ng ganyan susuko na lalo na at wala silang katuwang na asawa.Yes agree po ako na Pray lang talaga kausapin natin sya ng mataimtim.Laban lang po at wag na wag ipakita sa mga anak natin na napanhihinaam tayo dahil tayo ang lakas nila.
ReplyDeleteAng hirap ng gantong sakit kasi need mo layuan ang mga kamag anak mo dahil mabilis sya mapapasa sa tao ang sakit lang part maging ina in yung anak mo anh may sakit na ganto kaya dapat mas todo protektado tayo sa kanila
ReplyDeleteMahirap ang may ganitong sakit,lalo na may mga taong mapanghusga kaya bilang Nanay ipakita natin ang boung pagmamahal sa anak natin maging healthy everyday.
ReplyDeleteNakakaiyak naman tong story na to.totoo dapat malakas tayo para sa mga anak natin..Laban lang..mahirap ang sakit na to pero alam kong may kagalingan din naman ito kaya Laban lang
ReplyDeleteDami ko natutunan sa blog na to..On how to be more sensitive lalo na sa mga ganitong cases
ReplyDeleteNakaka-inspire naman po si mommy M.
ReplyDeleteSa totoo lang, sobrang nakaka proud din ang mga single moms. Grabe din yu g mga pinag dadaanan nila. Tayong buo ang pamilya hirap na, paano pa kaya sila? Iba din kase talaga kumilos si Lord sa buhay natin. Walang imposible basta malakas ang may faith natin my Lord ❤