Aci Girl

Lifestyle, Beauty, and Mommy from Philippines

Reasons Why Alejandro is the Best Man at 1st ko si Third Movie


1st ko si Third Movie / Third is my First on Netflix

I recently watched the movie 1st ko si Third on Netflix. I thought fun-fun lang na movie ito like kilig here and there. The movie seemed to be focusing on Cory's life being at home after retirement with his husband Alejandro (Dante Rivero), and reminiscing the thought of her first love / the one that got away peg nicknamed (Third) "III" (Freddie Webb)

Reasons Why Alejandro is the Best Man at 1st ko si Third Movie


Cory & Third

Cute-cute lang yung scene and medyo relatable sya for me lalo na that I grew up with my Nanay and Tatay. and also, when Pappi was still here, may mga ganaps na ganun din sya towards Mudrabells. 

1st ko si Third Movie / Third is my First on Netflix
Cory & Maria

Isang araw, nakita ni Cory si Third, and from afar tinanaw nya lang slight. And carry on with her day. But later on, Cory learned about Facebook and created her own account with the help of her apo. Alam nyo na what's next. She sent a friend request kay Third! Yas and Third accepted it naman! Chat-Chat sila after... Ang harot ng lola mo! Minus 10 Points! 

1st ko si Third Movie / Third is my First on Netflix
Third

But when she was invited for a reunion with high school classmates, she declined. In fairness kay Cory, very good sya dun making iwas kay Third. So, Cory may 10 Points ka jan! Na-redeem and sarili.

1st ko si Third Movie / Third is my First on Netflix
The letters Cory wrote for Third

Back story: they were about to be on their first date and to attend their prom. Kaso something happened at di na natuloy, after that, never na sila nag kita ata ulit ever. And III went to the states na. But now that III is back, nalilito na ba sya? And with these lines from her beshie Maria, good luck if di ka ma'torn. 


Maria: "Sa punto ng buhay natin, mas masarap yung binabalikan yung nakaraan lalo na kung nagbibigay ito ng kaligayahan kahit sandali lang" 

Let's jump to a different scene, yung time na tinanong sya ni Maria about her feelings towards Alejandro...

"Kung minsan nagsasama and mga tao dahil mahal nila ang isat isa. Kung minsan naman nagsasama sila dahil wala na lang silang mapiling iba at dumarating ang panahon na nagsasama sila ng maayos para sa isat isa" Cory


But Maria is being a good friend na banda here:

"Ang pagmamahal sa isang tao at pagaalaga din sa halaman kailangan araw araw diniligan mo, inaalagaan, araw araw naghahanap ka ng dahilan ng paraan para maramdaman mong nagmamahal ka pa rin at minahamahal mo ang taong napili mong makasamasa buhay. pero hindi mo dapat ibuhos ang kahat kailngan may itira ka din para sa sarili mo, mahalaga yun" Maria

 

Lines with Cory and he Niece.

Cory: Paulit ulit ka ng niloloko, Paulit ulit mo namang tinatanggap? Niece: "Mahal ko si Randy, ganun talaga siguro no, kapag nagpakasal ka sa isang tao, habang buhay mo ng pasang krus"

Hay nako, I've learned na ilang years na din since this movie was shown and they just recently been picked up by Netflix and baka meron pang gaya ko na late bloomer sa mga ganitong theme so stop na muna sa other details and magfocus na tayo on Why I think Alejandro is the Best Man for Cory.

Bagot na si Cory staying home, but Alejandro seems to calm her down naman saying: Ganun lang talaga sa umpisa... ito ang buhay nating talaga ang tumada tayong magkasaba dito sa bahay... 
1 Point!


1st ko si Third Movie / Third is my First on Netflix
Cory & Alejandro

Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa nung ikinasal tayo, na magsasama tayo hanggang kamatayan?

Cory & Alejandro

At dahil jan 100 Points!!! Ako kinilig pero parang di feel si Cory ang lines ni Alejandro dito. Ang sad!

Sa scene na irita much na si Cory: "Pakiramdam ko wlaa akong silbi...pakiramdam ko nakakulong ako dito sa bahay. Alejandro said "Pinaparamdam ko ba sa iyo yun? and I was like ...Awwwwwww!

A scene with Ton where Alejandro is fixing their Car: "Alam mo Ton, ang isang bagay na kaya mo pang ayusin, kaya mo pang sagipin. Tiyaga lang yan"

So nagpamake-over ang Lola Cory nyo and nagulat si Lolo Alejandro... so bago pa maimbyerna si Lola Cory... 

Alejandro: Coring, kahit na ano pang ayos ng buhok mo, ikaw pa din pinakamagandang babae sa buhay ko.

Alejandro finally fixes their car and went for a ride with Cory. Yes, agad-agad and super excited because Cory wants to learn to drive too :) Inalala din ang first date nila and other moments. plus planning on things they'll do in the future. 

1st ko si Third Movie / Third is my First on Netflix

Cory: Andong ang saya ko, ang saya ng adventure natin. Andong: "Mabuti naman at nag-enjoy ka. Yun naman talaga ang gusto ko eh, gusto ko lagi kang masaya. kaya Cory, kung may iba pang bagay na makakapagpasaya sayo, gawin mo na. Dahil hindi naman kasi lahat ng bagay na makapagpapaligaya sayo ay kaya ko pang ibigay"

Oh dibaaaa? ang haba ng hair ni Cory! Now let's make tanaw naman  about Third.

Third seems like palabiro but his jokes are not so mabenta to Cory, Very charming sa paharana (wayback) and so thoughtful din sya sa pa-chocolates on the present day. For me, parang medyo touchy and a hint of something else si III. Here are some lines sa kanilang pagkikita.

1st ko si Third Movie | Third & Cory

Third: "When things don't work out, you might as well separate. You have to move on" that's what he said after saying he's divorced for years. He also invited Cory to visit him sa states saying: Why don't you go visit the states, pasyal kita, I'm gonna take care of you. Cory: Hindi naman ganun kadali... Third answered: I said I will take care of you, Don't worry.  

IDK if it's just me pero di ko bet parang na awkward na ewan. And I don't know if yun din ba ang nafeel ni Cory that made her burn all her letters and magCry-la ng bongga sa car.

In my own interpretation: I think Cory finally saw the difference between Alejandro and Third or Not. I have to rewatch it 3times, to listen carefully and observe signs and hints lalo na yung mga eksenang walang dialogue involve. Seems like masyadong nainlove or stuck sa idea of being in love lalo na the first love thought. Also, highschool pa sya when she experienced that someone cared for her the way Third. And maybe na-romanticized na as if no one else comes close. Kaya kahit Alejandro is there di nya nakikita ang efforts at gestures nito.

Alejandro naman is very good regarding attention to detail. Tanda nya how their first date went. And mga bet na gawin ni Cory like learning how to drive, visit different churches, and go to Palawan.  

1st ko si Third | Alejandro & Cory
This final scene, nung una di ko ma-gets, I messaged my friends who's in to movies like this and ask for what they can say about it. Na-puzzled ako much kasi nga bitin sa lines and being a taurean who overthinks, kung ano anong possibilities na alng naisip ko. But after rewatching nga for the third time, I think this scene says that Cory is choosing Alejandro. (aside sa pag burn nya ng letters) And she sat closer to her husband unlike sa first scene ng movie.  OMG halata bang super nagustuhan ko this movie at na pablog post ako ng di oras :D Panoodin nyo din please and let me know what you think about it. Feel free to leave comments.


Thanks for reading my blog and feel free to leave comments.
To get the latest update, follow me on my social media accounts.

Comments

  1. Napanood ko rin po toh momsh, sa channel 11 po noon. Kakalipat ko po ng channel ee napadpad ako sa pelikulang Ito. And Yun nga po nagustuhan ko sya, nastock Kasi ang buhay ni Cory sa trabaho. The love story na amaze ako may konting rupok si Cory Kasi may friend na sumusulsol🤣🤣 but still he choose his husband ❤️❤️

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yay thanks Criselda 🥰 kulit ni Maria no 😍 we all need a friend like Maria. Sulsulol pero may pa wake up din 😉

      Delete
  2. Sa totoo lang bibihira na ako maka appreciate ng tagalog movie ngayon pero may mga pinoy movies at yung iba indie films pa na tatatak talaga sau.Would love to watch this Mommy Aci na curious ako sa takbo ng story .Thanks for sharing ��

    ReplyDelete
    Replies
    1. True Momshie ✅ enjoy and let me know pag napanood mo na ah 😍

      Delete
  3. Yeah...i need to watch the movie several times para ma gets ko na....OMG... good thing at si Alejandro ang pinili nya..

    True na love is not enough in a relationship..it needs trust, patience and most of all honesty.

    Super bait at pasensyoso ni alejandro despite sa pagsusingit ni Cory.

    Hahaha! Very nice movie. Good thing nasa Netflix na sya.��

    ReplyDelete
  4. I love this movie!! Justice for andong!! bat it takes pa na bumalik si third for cory to realize that alejando love her dearly!!! WAAAAA~~ MUST WATCH!!

    ReplyDelete

Post a Comment