Uratex Plant Tour, FieldTrip Mode On!

Field-trip sa may pagawaan ng mattress lapis, 
ay katulad ng buhay natin... 
isang mahabang pila mabagal at walang katuturan...

Pero sa URATEX Plant Tour...
Mainit, Mabilis, Masigla, Malakad, Masaya, Malambot, Matibay at Mapagkakatiwalaan!

why???

Mainit, ang planta at ang Blue Foam after production :)

Mabilis, maglakad yung facilitator :) kasi mainit sa daan, Pero the whole duration of the tour is very informative. Specially sa Research Department. Oh Men! Flashback Chemistry Class itey! mabilis din pala magawa ang mga Blue Foam na ito. mas matagal pa mag bake ng cupcakes :P

Masigla, ang mga staff ng Uratex, alive na alive sila kahit mainit sa working area!
Kudos to the staff specially sa cutting and production area whew sauna!
(sa research and showroom lang ata malameeeeg! #swerte)

Malakad, OMG mawawala ako sa planta, kaya may-I-habol ako sa walkathon nila :P

Masaya, ang blogger group that I'm in! Kulit lang! and Masaya dahil madaming Uratex items for raffle!

Malambot, Matibay at Mapagkakatiwalaan... = Uratex na yan!
need I say more? SOON on my #ItrustU #ItrustURATEX Post

For now, let me share to you the happenings on my Uratex Plant Tour (^.^,)


Directions. Pabor sa Ligawing Pusa Me :P

Table Set Up 
Something Blue :)

First Stop (1 of  4 Parts Open for Bloggers at the Uratex Plant Tour )
Research and Development

Science lab ang ambiance
kinakabahan ako, masungit kasi yung chemistry teacher ko nung high school :P

a strip of foam was put to the test repeatedly 
and data being recorded on that Computer Unit

 The Chemistry Teacher
ay! Head Chemist pala. whew! buti she's so mabaet :)
why is she laughing? sabi ko kasi "lagot di ako nakinig sa chemistry lessons namin nun :)"
she said: "Dapat nakinig ka!" hahahaha
pero honestly I like chemistry more than algebra :P

umi-Score din ang lola nyo sa QnA: 
What is the 90% of the composition of the Uratex Foam
and I said Air? with a question mark hahahha 
and I was right! Gold Star Lol!
sasabihin ko sana baking powder? yeast? kasi lakas maka alsa :P

[foam displays here]


Foaming Area
(2 of 4)

Inside this red drum is raw materials / ingredient of the uratex foam
being sucked up and stored at this Red Big Container
Cooling Room
P.S with air conditioning... taray!!!

Chemical Charging Area

Bigger Storage Containers (non-aircon)
after cooling, the chemicals were again transferred here for storage

 From the Big Silver Container Drums
I think pipes were connected in this Cabinet/Generator thing from the Big Containers 
to the Foam Making area  :P
sorry guys amaze na amaze talaga ako eh.
feeling ko nasa Pandacan oil depot ako at afraid ako maiwan ng group :D


Different Pipes with Different Chemicals for making the Uratex Blue Foam

sorry for the blurred pix excited ang lahat sa process na ito.

watch closely!!!
Liquid...
...to
Solid!
ang bilis promise!!!
kinabog ang cupcakes ko!!!
para lang syang pizza na pinadaan sa rolling oven tas pag labas baked na! SHALA!!!!

from fluidy blue liquid turned to hot fluffy giant loaf of bed :D
hahaha sorry not sorry for humor baker in me :P

again repeat... liquid
imaginin nyo ko lumakad from here to the next end mga 50steps toh...

to this end here :D
see that chunk? ayan sya agad agad!!!

4ft and thickness ng blue foam na ito, if di ako na memory gap :)


[ curing for 24hrs ]

Cutting Edge Ay!!! Cutting Department
(3 of 4)

Job Order Request


one of the cutters they had. 
wala pa toh... watch/stay tuned for more!

ang isa sa mga Bida. Precision Cutter and Peg!!! 
Black Foams
This Machine is not just into cutting edge, even curves keri! PAK!!!
medyo take your time nga lang daw si machine... 
hey! Good things are pinaghihirapan!

ma-segway lang... dahil cutting machines ito
naalala ko lang yung resident evil movie
and ito yung tumakbo sa isip ko while nasa area na yun
see this link and watch :P

Ito ung sinasabi kong mala resident evil laser cut :P
courtesy of the Precision Cutting Machine
that cutter can twist and make a quick turn #ohHuh! 
di pa din makarelate? di mo ni-watch noh read ulit then watch.


now balik tayo sa cutting area pa din :)

This Cutting Machine is Spinning round and round :)
sarap sakyan pero wag or else magagaya sa video clip na sinasabi ko :P


after that spinning round and round while cutting ito na sya :)
Labeled and Stamped 6x48x75 My Ideal Bed Size :D
pang sakin lang :P #malikotmatulog

pakurot nga :P
infairness and fair-view soft but still firm :D

sticking the famous URATEX Stickers

That's a warp!
opps! not yet... I mean that's the wrapping area :)
rolling in the deep for easy insertions sa pag plastic :P

[Covering]
will post a video regarding this.
easy breezy insertions of foam to the bed covering.


Just some of the Finished Products
alam nyo ba? di lang pala mattress ang ginagawa here???
o ako na lang di nakakaalam :P

they also make sponges, sofa, furniture, and padding or foams ng bra!!! sosyal!

last stop
(4 of 4)

Uratex Showroom
let my pictures do the talking











an sarap sa feeling :)
nakahiga ako most of the time kaso nakakahiya naman iupload :P

Meet Steve Tamayo Sir Rod

Kamusta yung catering bizz sir :) -natawa din sya hehehe

this is it!!! teh gusto ko toh, ito na! to go! :P

I hope na-appreciate nyo ang post ko (^.^,)
Sleep Mode On!



THANK YOU Sir Richard for the invite!
THANK YOU AMPR
and most of all THANK YOU URATEX Philippines 
till next plant tour :)

Get Connected with Uratex Philippines:

   



21 comments

  1. Grabe! kapag ikaw talaga yung nagsususlat, tawa talaga ng tawa! "MABILIS...maglakad ang facilitator..."

    ReplyDelete
    Replies
    1. mabilis talaga sis lalo na sa pag nasa outdoor, majinet teh! ang skin!!!

      Delete
  2. Ang ganda naman ng mala educational tour ng Uratex :) I'm glad you enjoyed sis Aci kahit mainit hehehe...at ngayon ko lang nalaman na ang paggawa ng foam ay dumadaan sa mainit na proseso :O your blog post is very informative may nalaman ako :) Uratex din gamit namin sa bahay at maganda ang quality :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. mahilig kasi ako sa fieldtrip :D kasi nung bata pa ako di ako pinapayagan hahahah

      Delete
    2. awww :'( ganon pala... pero ngayon tignan mo na sis Aci bawi bawi ka sa mga field trips!!! Di lang field trips pati na rin mga events dahil sa newfound love mo for blogging :D

      Delete
  3. This is super interesting! Sayang I was unable to join. We use Uratex mattresses at home :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. naexcite nga ako kasi I saw your name sa event page :) yun nga lang di kita nakita. di ka pala nakapunta. hoping to see you next time :)

      Delete
  4. I always love plant tour, ito yung gusto ko pag may field trip kaso parang di na uso ngayon. I'm Uratex user din pero few months ago nagtry ako ng ibang brand. In fairness, 8 years ko ginamit yung Uratex bed namin. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. true that sis, nagtry ako nung brand na may elephant chenez wala pang 6mos lundo na :(
      and sarap talaga pag plant tour lakas maka filedtrip mode during school days :D

      Delete
  5. hahaha...I would've not been able to answer that question on composition at all! I've read other blogs on Uratex, and this is hands down, the most entertaining so far. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayiiii kinilig naman ako :) Thanks May (^.^,)

      Delete
  6. Mukang interesting nga ang tour na ito. I hope they schedule another one soon para I can join naman. :)

    ReplyDelete
  7. haha, natuwa naman ako sayo. at ang sipag mo ha, to go through all those manufacturing processes :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. interesado kasi ako sa mga ganitey ;) aliw lang

      Delete
  8. Andon ako! Hindi ko pa nga lang naipo post hahaha.... Sayang di ako nanalo sa raffle. We love Uratex products!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kami din di nanalo :) bawi tayo sa #itrustU journal :) malay....

      Delete
  9. Interesting! Liquid pala yun!? Maganda talaga kung lahat ng products ay may plant tour. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. i super like plant tour, lakas maka fieldtrip. feels so bagets hahaha

      Delete
  10. Soo, this is how uratex foams are made. Very informative post :)

    ReplyDelete