2020 for me is the year of kaliwa't-kanang eye-opener, struggles here, and there, and us realizing that it's not the year for us to get what we want, but to appreciate each and every little thing we already had and being thankful for all the help and blessings that come our way. Even Jack Ma said that 2020 is the year for us to stay alive. Last, but not the least, understanding that the greatest wealth is health and "IPON" / Savings is a Must.
What "IPON CHALLENGE" Are You In?
IPON Challenge #IponChallenge |
So, with all that realizations, mas natakot akong mawalan ng pera. Buti na lang maski pano nakapag-ipon ako ng slight at yun ang nadudukot-dukot namin ngayon.
Kaakibat nyan ang bonggang pagtitipid, bawas takeout and more on homecooked meal, limit softdrinks and powdered juices, and go for water lang muna para mas healthy. Wala munang bili-bili ng luho at mga bagay-bagay na di naman talaga kinakailangan para makaraos sa pangaraw araw. Ikaw, may ipon ba?
Normally, January ang simula ng mga IPON CHALLENGES na ito, as new year resolution for most of us. February na, pero bakit ngayon lang ako mag sisimula? Momsh, and Besh, another happy life mantra is don't compare and do it on your own phase. Also, IT'S NEVER TOO LATE TO START SAVING MONEY.
Look here,jJust some of the "Ipon Challenges" I stumbled upon.
- Good-Old-Fashion Alkansya / Piggy Bank. Any amount, any day, coins, paper bills it's up to you.
- 52 Week Ipon Challenge. There's a target amount to save for every week. Some will start at 100, then 200, next is 300 or 400 and to some, it gets doubled every time.
- Ipon Kit. This became so popular a few years ago but I didn't go for it. This has a checklist/tally and a certain number of coins, and paper bills you must collect.
- 365 Days Ipon Challenge. Parang di ko din ata to kaya, kasi minsan meron, minsan wala akong andabells.
- Paluwagan. Ito nasubukan ko na ito nung highschool ako and ang saya kasi nakabili ako ng cellphone :P This is a group effort kung saan you'll have to give a certain amount daily, weekly or monthly. It's must na mag comply lang lahat ng kasali para everybody happy. Take turns sa pag sahod. Palabunutan who'll go first. Dapat reliable at strict ang collector/leader at bawal ang pasaway sa members or else kuyog! charot.
- Automatic Savings Plan via ATM Bank Accounts This is my WISH-KO-LANG and Savings Goal. Ideal for those who have regular income or goal-getter. Yung set aside mo agad ang a certain amount/percent for savings and not the other way around. IPON lang ng IPON hanggat kaya.
- Invisible Money. THIS WORKS FOR ME! Ito yung pipili ka kung anong denomination ang bet mo and every time na you'll have it, SAVE IT.
May iba ka bang knows na ipon challenge? Let me know and I'll include it on my list.
|
I tried it with P50's and P200's pero nao-OC ako sa 200 and I want to get rid of it agad-agad kaya gastos din agad. Successful ako sa 50's and madami-dami din ata naipon ko nito noon, I think kumasya sya para makabili ako ng bluetooth speaker. Yung lang, I'm too shy to document it pa. This year, I need to make ipon uli. And I think I'll go for INVISIBLE MONEY pa din. Kasi this works for me, no pressure pero dapat honest and disciplined para mas pak! at achieved ang goal at the end of the year.
Dahil color of the year PANTONE Illuminating 13-0647 I'll go for Php500 bill as my IPON CHALLENGE for 2021. With that, Nag-iisip na ako ng paraan, naglilinis-linis ng bahay baka sakaling may gamit ako na pwede pang pakinabangan at ibenta para maging pera. Naghahanap ng pagkakakitaan, at nagreresearch kung anong maliit na negosyo ang pwedeng simulan para makapagipon din ako for myself. Tandaan, Pag may isinuksok, May madudukot. Pag may tiyaga, may nilaga.
Para mas safe at levelled-up ang ipon natin, let's put your ipon in micro savings or in the bank. Apply for a savings account, go for passbook. (Ako I don't use or apply for atm cards, para di ako ma'tempt na magwithdraw hihi. Also, mas ok if you'll put it on time deposit or investment. Pero I'm sure mas maganda kung papaikutin mo ang savings mo for business. Inaalam ko pang maige ang topic na ito and will share this with all of you next time. Yes, next time paano na yumaman ang topic naten. char!
|
Ikaw, anong IPON Challenge ang bet mo to be in this year?
Let's all do this and Kamustahin ko kayo before the year ends ah!?
To get the latest update, follow me on my social media accounts.
Team Alkansya here 🙋
ReplyDeleteMaganda may ipon malaking tulong pag nagigipit may madudukot.
Haiist totoo mommy.Ewan ko ba kung anong meron sa 2020 at ang daming struggles na nangyari.The taal, the covid tapos ngpregnant pa ko..lahat yan struggles talaga..But I realized one more thing I said to myself na this is the right time para makapagipon..Since pandemic parehas kaming may work pa naman ni hubby kahit preggy go padin..need to push kasi may mga kids ako sa province.Start kami sa Sahod ko savings namin sahod nya budget..tapos buy the needs and not the wants..Tapos ung mga tips and extra bayad sa delivery kase restaurant kami ipon ko din yun at dun ako bumili ng essentials ni baby paunti unti..Awa ng diyos hanggang sa ngaun nairaos namin ang panganganak ko na di nawalan ng pera kahit na nagleave sya mg almost 1 month..
ReplyDeletePag usapang ipon challenge in ako dyan ma bata palang ako sana na ako mag ipon wala man exact amount pero weekly may nilalagay ako sa alkansya namin kahit anak ko may alkansya at ginagawan ko sya ipon challenge dun ma
ReplyDeleteAlkansya ipon challenge din kmi ,kasu di tlga maiiwasang di mgamit Lalu n ngaun ,Ang l hirap Ng buhay ,
ReplyDelete-Ahneinj Zapiter
Mas okey din tlga Ang may ipon,Kung bga kpag may tanim may aanihin 😊
ReplyDelete-Ahneinj Zapiter
Pinaka maganda tlaga sa lahat mommy yung may ipon, para kapag Walang wala na di na need lumapit po sa iba. Ako pag may sobra si mister tinatabi ko na kagad
ReplyDeleteAlkansya gamit namin mommy kahit konting barya lang sa araw araw basta may ipon okay na 😁❤️
ReplyDeleteBata palang ako hilig ko na talaga mommy ang pag iipon kaya ngayon namana ng mga anak ko, pag may barya sila deretso agad sa alkansya ❤️❤️
ReplyDeleteAko ma nag ipon challenge ako Ulit ako sa alkansya yun naman nakalagay for baby need or incase na kailangan namin para sa kanya nakakatuwa wala man kami target na amount pero kada may barya kami nilalaglag namin dun at yun din gusto ko makuha ng anak ko sakin ang pag iipon at pag tipid nadin kung hindi naman kailangan yung gamit wag bilhin dahil matetengga lang bagkos ipunin nalang nya yung pambili nya na yun.
ReplyDeleteAntoniette Sanchez David / Quezon City