• Why Should I Vote For You? #AskGringo

    Naaalala ko pa nung nagpaparehistro ako sa SK (Sangguninang Kabataan) para makaboto. Excited ako kahit pahirap ang sistema or mas mainam na sabihin "walang sistema" or kung meron man bulok ito.

    Pero lakas maka-basag ng trip si "Pappi" -papa ko. 
    Alam mo ba kung bakit ka boboto? para saan at bakit kailngan? -Pappi
    At yun na ang simula ng kanyang pangaral :P Hala sermon ba ito? Pero yung ang mga panahon na matiyagang pinapaliwanag ng pappi ang kahalagahan ng pagboto. Kailangan ito upang may mamuno sa isang bansa, para sa inaasam na pagbabago at sa ikauunlad ng bayan. 

    Ngunit kaakibat nito ang ang responsibilidad na pumili ng karapat-dapat. Hindi kawatan, dapat maaasahan, may paninindigan at may pagmamahal sa bayan. Ilan lang yan sa mga katangiang dapat hanapin sa isang kumakandidato, tama po ba? 

    Noon, pag may gusto kaming kandidato kailangangang pag-usapan namin sa bahay. Meron kaming "defense" sa bahay. Bakit sya? Ano na ba nagawa nya? Track Record? Kaso' etc. etc. at dapat maitawid namin sya ng maigi at magkaron ng pag kakaintindihan sa huli kung karapat dapat ba sya o hindi.

    Sa isang pagkakataong naka-sama namin si Gringo Honasan naexcite ako kasi gusto sya ni pappi. Ako, naririnig ko na lang ang mga kwento at balita patungkol sa kanya noon. Pero wala akong malay sa mga naganap nung 86' dahil nasa sinapupunan pa lang ata ako ni mudrabells nun. 

    Wala akong ibang nais na itanong sa kanya kung di "Why should I Vote for you?" lalo na sa mga youth na hindi aware sa mga naganap noong 86'? Simpleng tanong pero bakit nga ba? "Heneral Luna of the present time?" Para lang siguro maramdaman ko or malaman ko kung paano sya tutugon, Ano ang isasagot nya at kung may iba pa ba syang maiaambag sa bayan sa maaring wala sa iba. And "Saan mas kinabahan ang wife nya, nung sundalo pa sya o ngayong kumakandidato sya pagka bise-presidente?"At ito ang kanyang tugon...


    Ikaw, may tanong ka ba para kay Gringo?

    Ask him yourself via twitter by using the #AskGringo hashtag.








  • You might also like

    No comments:

    Post a Comment

Powered by Blogger.

About Aci

some_text

Aci Bornea

Hayee! Thank you for visiting my blog. A tiny place in the cyberworld where I share the recent happenings and trend, together with my life adventures. For inquiries, collaborations, and sponsorships email aci_girl@rocketmail(dot)com. ;)

Social Share