Happy Birthday To Me! +29 chenez about me!

Hurray! It's My Birthday Today!!!

At dahil jan, magkukwento ako ng talambuhay ko today (^.^,)
Kapit lang mga readers and friends... suportahan nyo ang post na ito at pagbigyan...
Minsan lang toh!


Nung maliliit pa kami... pag birthday namin masaya kami na ewan...
Why? kasi may birthday cake at ang buong barrio namin ay nakikicelebrate :) Feeling fiesta! Actually fiesta naman talaga sa amin twing first sunday ng May. Ang mga birthdates namin 3 magkapatid falls on the first week of that month. May 2, (Jn) 5, (Mj) and 6 si aketch! and madalas isa sa amin ang papatak sa araw ng fiesta :P if kaninong birthday yun tumapat maswerte sya kasi may handa :P

Isa sa madalas sabihin ni Pappi noon: 
Sa birthday ni Dadan (jn) mamamalengke pa lang ng rekado at hiwa hiwa... at magluluto
Sa birthday ni MJ ang handaan (kasi bunso at nasa gitna ng mga petsa) 
at pag dating daw ng birthday ko, hugasan na ng plato :P pang asar diba?

Naaalala ko noon, hati hati kami sa iisang cake. 2-3 names ang nakalagay sa isang rectangular cake.
dahil bunso si mj may sarili syang cake minsan :P ganun kakuripot sila mudrabells at pappi hahaha.

Kaya siguro nahilig ako sa baking para lagi ako may cake :P

So ito na nga, allow me to share some itsy bitsy facts about me :)
in halo-halo order :P

1. Confused sa right and left. promise... hahahha
2. Di ako marunong magbasa ng analog watch/clock buti digital clock ko sa celphone
3. I can't Swim.  sponsor a free swimming lessons for me? charot!
4. Madalas Maligaw :P see number1
5. I can't cook ulam... nakakahiya naman hahaha basta sa desserts ako taya! :P
6. Takot sa Ipis! sino bang hindi?
7. Rootbeer
8. Frenchfries
9. Ice cream. basta good tasting ah
10. I like sardinas and tuyo super! spicy variant ah
11. Kamatis and itlog na maalat din
12. I hate alugbate, talbos ng sayote, pechay, ampalaya, at LORD, ilayo nyo po ako sa sinigang sa misu :P
13. Picky Eater
14. Maarte ako sa mga bagay.. pero I keep it to myself :P
15. Adik sa Coffee and Sweets
16. Music Lover
17. Love watching Ballets, Stage Plays and Orchestra chenez
18. Movie Lover : Horror, Action, Comedy and drama if maganda.
19. Nag-iiba iba ang handwritting ko :(
20. Ginawin :P
21. Taho Monster
22. Halo-Halo Lover
23. Fave ko munchers (green peas) basta wag matigas
24. I love walking sa shoreline kesa mag swimming sa dagat :P
25. I love taking pictures pero ayoko magpapicture (dati)
26. Kuripot :P
27. Chocolate LOver
28. Milk Tea (Dakasi)
29. Makulit pero mabaet :P 

Now It's time for THANK YOU's
Thank you sa aking Mudrabells na nagdala sakin for 9months. salamat din ke Pappi dahil pinatago mo ako ke mudra for 9mos. Meaning kung di dahil sa inyo waley aketch here :P Love you both kahit pasaway kayo. ay ako pala!

Sa mga kapatid kong "May Topak" mag thank you kayo sakin dahil napagchagaan ko kayo, ay baliktad hahaha. Thanks MJ, ang second mom ng mga kids when I'm out. Ke JN na... na... laging wala sa bahay paramdam ka din sa bday mo :P 

Sa aking mga mareng-sis Yssa and Jem thanks gals! anjan pa din kayo sa kabila ng kabaliwan ko hehehe.

Sa aking mga online friends... thanks at naging part kayo ng bagong AKO. wow may ganun... alam nyo yan!

Sa aking blogger friends din, (dumadami na kayo kaya I won't name names... baka may ma miss lagot!)
I discover a whole new world and naging friends ko kayo along the way. Sana tuloy tuloy na (^.^,)

Sa mga barkada ko... Charles, Ricci and Chloe, my angels :) na saksakan ng kulit at pasaway :P 
Wag na matigas mga ulo ah. Ilang tablespoon na lang ang dugo ni mommy kaya wag nyo na pakuluin at baka maubos na ng tuluyan :P

And to DaddyO, Thank you for being there. ay here pala ay san ba?  (^.^,)

My Birthday Wish?
Nasan muna ang cake with candle?... 
I surprise nyo ko ha, charot!

0 comments